Sabado, Hulyo 29, 2017

Mga Larong Pambata Noon

Ibang iba na talaga ang panahon ngayon, di katulad noong bata pa ako, madalas nasa kalsada kami at naglalaro ng mga larong pang-bata, di katulad ngayon, puro video games at nasa bahay na lang, nakakalimutan na ang mga larong pambata noon.
Eto ang ilan sa mga larong pambata na di ko makakalimutan at dahil sa mga larong ito, ito'y naging bahagi ng pagkatao ko, dito ko unang naranasan na paminsan minsan natatalo ka at minsan naman ay nananalo ka, dito ko unang natutunan kung paano makihalubilo sa mga tao at kung paano mo itrato ang ibang bata.

Piko











Halos lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang  bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

Holen or Jolens










Panlalake ang larong ito di katulad ng piko at siato pwede ang babae at lalake, pero pwede naming sumali ang babae, 2 klase ang alam kong laro dito, yung isa ay para kang nag gogolf at may 4 to 6 na butas sa lupa at may base., ang umpisa ng laro at magpapaligsahan kayo kung sino ang mas malapit sa base pagkatapos ihagis ang holen magmula sa unang butas, ang pinaka objective ng laro ay kung sino mas mabilis makakumpleto i-shoot as mga butas (parang golf nga) sa pamamagitan ng paghagis gamit ang kamay.

Trumpo










Kailang mo ng konting skill para malaro ito, pero karamihan na naglalaro nito ay mga lalake, patagalan ng ikot ang labanan dito.

Teks

Di na ata uso ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit ibat iba ang naka printa sa harap at kulay grey na papel ang likod, ito ay usong uso sa amin, ito ay parang sugal, na may mga maliliit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon karakter na sina voltes 5 at mazingger z, o kaya mga pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo,

Taguan











Hide and seek sa ingles, karamihan alam ng mga bata ang larong ito at masayang laruin ito kapag gabi at nasa kalsada kayo, madami akong masasayang ala-ala sa larong taguan, kaya ngayon nagagamit ko sa mga taong may utang sa akin he he he he.

Patintero








Isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao,  at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng patintero sa kalsada.

Sipa












Isang mabigat na singaputing bakal na hugis piso na may buta sa gitna at lagyan ng straw sipa na, tandang tanda ko pa noong bata pa ako na marunong akong mag sipa, may kasama pang black magic or back kick kung tawagin.